Legal Team ng dating Pangulong Duterte kumpleto na

Matapos ang ilang araw ng pagsasaliksik at pag-aaral ay tuluyan ng nakumpleto ang legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang pagdinig sa International Criminal Court.

Sa kasalukuyan ay hindi pa isinapupubliko ang pangalan ng mga abogado ngunit ayon kay Nicholas Kaufman na maari na itong ilabas ang mga pangalan nito sa araw ng lunes.

Ayon pa kay British-Israeli Lawyer Kaufman ay hindi kasama sa listahan si dating presidential spokesperson Harry Roque dahil ito umano ay humingi ng political asylum kaya hindi ito maaring makadalo sa mga pagdinig sa korte.

Matatandaang sinabi ni Vice President Sara Duterte na marami pa silang hinihintay na dokumento bago makabalik sa Pilipinas kung saan umaasa siya na makumpleto ang legal team ng ama bago ito makaalis ng Netherlands.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top