Sinisulan na ng International Criminal Court (ICC) ang inisyal na hakbang maorganisa ang maayos na partisipasyon ng mga biktima ng madugong drug war noong panahon ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa inisyal na pagkilos ay inatasan ng ICC ang Victims Participation and Reparations Section na alamin kung anong proseso ang kanilang gagamitin para sa aplikasyon at registration ng mga biktima na siyang magtetestigo sa kasong isinampa laban sa dating pangulo.
Sa panuntunan ng ICC maaring makibahagi ang mga biktima sa isasagawang pagdinig o maaring magsumite ng kanilang pananaw at alalahanin.
Sa kasalukuyan ay patuloy namang naghihintay ang kampo ng mga biktima sa kanilang gagawin batay na rin sa guidelines ng international court.