Mahigit isang Milyong Halaga ng Iligal na Droga, Narekober sa Buybust Operation ng PNP sa Bayan ng Daet

Naging matagumpay ang ikinasang buybust operation ng kapulisan ng PDEU Cam Norte/CNPIU (lead unit), katuwang ang mga tauhan ng Daet MPS na may mahigpit na koordinasyon sa PDEA ROV. Ang operasyon ay nagsimula bandang alas 9:47 ng gabi nitong Marso 3, 2025 sa Central Plaza Complex, Purok 4, Barangay Lag-on, Daet, Camarines Norte.

Hinuli ang suspek na si “ Dan “, 38 taong gulang, at residente ng Brgy. Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte, matapos na makabili sa kanya ang pulis na umaktong poseur buyer ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust item). Nakuha naman sa kanyang pag-iingat ang tinatayang mahigit isang milyong halaga ng iligal na droga.

Ang pagmarka, imbentaryo at dokumentasyon ng nasabing operasyon ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng nahalal na opisyales ng barangay at kinatawan ng media.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng Daet MPS ang nabanggit na personahe para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda naman ang kaso para sa Paglabag sa R.A. 9165 laban sa kanya.

Details/Photos: CNPPO/PCAD

Back To Top