Nasa ilalim ng Signal Number 1 ngayon ang bahagi ng Kalayaan Group of Island sa bahagi ng Palawan.
Ayon sa PAGASA ang sentro ng bagyo ay namataan 40 kilometro ng North-Northwest ng La Carlota City, Negros Occidental.
Ito ay may taglay na lakas ng hangin na aabot sa 55kph at pagbugso-bugso na nasa 70kph.
Nakataas naman ang signal number 1 sa Kalayaan Islands sa Palawan samantalang makakaranas ng malalakas na pag-alon ang bahagi ng Batanes, Babuyan Islands, Ilocos norte at Kalayaan Islands.
Pinaalalahanan naman ang mga mangingisda na iwasan ang anumang paglayas sa nabanggit na lugar.
Maaring lumakas pa ang bagyo sa mga susunod na oras habang ito ay tuluyang hihina sa gabi ng Lunes.