Tuluyan ng winakasan ng bansang Netherland ang kanilang Miss Netherland Beauty Pageant at bigyang daan ang bagong inisyatibo para muling ma-inspire ang mga kabataan sa kanilang bansa.
Ang naturang hakbang ay nagsimula matapos ang isang taon ng kanilang koronahan ang kauna-unahang trans woman na si Rikkie Kkolle bilang panalo.
Ipapalit nilang sa naturang kumpetisyon ang No Longer of This Time na platform na umiikot sa mental health, social media, diversity, self-expression at iba pa.
Ayon sa organizer ang kumpetisyonna ito ay wala ng mga korona pero may kuwento na magkokonekta, walang mga gown pero mayroong pangarap na maisasakatuparan.
source: Bombo Radyo Philippines