Isang Drug Suspect, Arestado sa Buy-Bust Operation sa Bayan ng Paracale

𝗣𝗮𝗿𝗮𝗰𝗮𝗹𝗲, 𝗖𝗮𝗺𝗮𝗿𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗲 – Muling nagtagumpay ang Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) sa kampanya laban sa ilegal na droga matapos maaresto ang isang drug suspect sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Paracale Municipal Police Station (MPS) nitong Hulyo 15, 2026, bandang 9:15 ng gabi, sa Barangay Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Rap-Rap,” 30 taong gulang, binata, at residente ng naturang barangay.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Paracale MPS, katuwang ang Camarines Norte Provincial Drug Enforcement Unit (CNPDEU), Camarines Norte Provincial Intelligence Unit (CNPIU), at Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company (2nd PMFC), sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office V (PDEA RO V).

Nakumpiska mula sa suspek ang isang (1) buy-bust sachet, anim (6) na assorted heat-sealed transparent plastic sachets, isang (1) bukas na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at isang (1) tunay na ₱500.00 buy-bust money.

Ang kabuuang timbang ng mga hinihinalang iligal na droga ay humigit-kumulang 5 gramo na may tinatayang Standard Drug Price na ₱34,000.00.

Ang pagmamarka at imbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya ay isinagawa alinsunod sa umiiral na batas at sa presensya ng mga mandatoryong saksi upang mapanatili ang integridad ng mga ebidensya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Paracale MPS ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Batay sa beripikasyon sa E-Rogue, E-Warrant, at CIRAS, wala pang naitalang ibang kaso laban sa suspek.

Patuloy na hinihikayat ng Camarines Norte Police Provincial Office ang publiko na makiisa sa kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng mga kahina-hinalang aktibidad sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya. Ang kooperasyon ng bawat mamamayan ay mahalaga sa pagpapanatili ng isang ligtas at mapayapang komunidad.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top