24 Milyong Piso Solar Powered Generator pasisimulan, Ground Breaking Ceremony isinagawa

Daet, Camarines Norte – Matagumpay na naisagawa ang Ground Breaking Ceremony ng 3 Unit Solar Powered Irrigation System sa Barangay San Isidro bayan ng Daet kaninang umaga July 10, 2026.

Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng 24 Milyong Piso mula naman sa Department of Agriculture na kung saan nagbigay naman ang Local Government Unit ng Daet ng Right of Way para mas mapabilis ang pagsasaayos ng proyekto.

Ayon kay Punong Barangay Samuel Zaldua mabebenipisyuhan nito ang 20 magsasaka na may kabuuang 20 hektarayang lupang pangsakahan na may malaking problema sa patubig lalo kapag sumasapit ang tag-init.

Kasabay nito ay nagpasalamat din si Mayor Ronnie Valencia sa Department of Agriculture na kung saan matutugunan nito ang problema ng mga magsasaka sa isyu ng patubig. Inihayag din nito na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensiya ng gobyerno upang mabigyan ng tulong ang mga magsasaka maging ang ibang sector ng kanyang nasasakupan.

Kabilang sa dumalo sa naturang pagtitipon ang kinatawan ng Department of Agriculture Office I, Engr, Bell Joseph Bonito; kinatawan ng Provincial Agriculture Office Engr. Harold Gestiada; ang kinatawan ni Gov. Dong Padilla, Ginoong Abel Icatlo; Konsehal Luhay Urbabo bilang Chairman ng Committee on Agriculture sa Sangguniang Bayan ng Daet at ilang mga kagad ng Barangay.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top