Pagrebisa sa panuntunan sa pagtalaga ng Pangulo ng State College and Universities hihilingin ng Sangguniang Panlalawigan sa Senate Committee on Higher Education

Upang matigil na umano ang tila galawang mafia ng ilang mga politiko na may mga minamanok na maging pangulo ng mga State Colleges at Universities hindi lang sa Camarines Norte kundi sa buong bansa ay nagpasa ng isang resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan na hinihiling sa Senate Committee on Higher and Technical Education na pinangngunahan ni Senator Loren Legarda na marebisa at maisaayos ang polisiya sa pagpili ng mga lehitimong representante sa board of trustees at sa pagdidiskwalipika sa kanila sa oras ng pagpipili na nang mga bagong pangulo ng isang pambansang kolehiyo at unibersidad. Sa mungkahi ni Bokal Tessie Malubay, Chairman ng Committee on Education sa SP ay pomabor ang lahat ng myembro nito sa kanilang sesyon ngayong araw, Enero 27,2026 na ginanap sa Conference Hall ng CNPH.

Ito ay upang matingnan umano ang mga kaso ng panggigipit, pagsasampa ng gawa gawang reklamo o kaya ay TRO o Temporary Restraining Order upang mapigil ang ilang mga lehitimong mga representante ng mga organisasyon na dapat ay may representante sa Board of Trustees at kasama sa mga boboto sa pagpili ng pangulo ng institusyon.

Nabuksan ang usapin sa pagdalo ni Ginoong Rene Abrera, Pangulo ng Samahan ng mga Faculty sa CNSC na sinampahan umano ng gawa gawang reklamo upang hindi makaboto sa pagpili ng bagong presidente ng naturang kolehiyo.

Sinabi ni Ginoong Abrera, na hindi na nya kinikwestyon ang pagkapanalo ng bagong pangulo ng CNSC subalit nais lang nyang ipaabot na magkaroon na sana ng clear cut policy sa mga posibleng pagbabawal sa mga lihetimong kinatawan sapagkat ito ay inaabuso ng ilang maimpluwensyang tao upang mapaboran ang kanilang kandidato sa posisyon.

Sinang ayunan ni Bokal Rey Kenneth Nery Oning ang mga sinasabi ni Ginoong Abrera sapagkat nangyari na umano ito sa parehong institusyon ilang taon na ang nakakaraan na kung saan biglang nagpalabas ng isang restraining order ang korte laban sa representante ng mga estudyante at mga alumni dahil sa gawa gawang reklamo na nagpabago sa resulta ng eleksyon o pagpili ng pangulo na maaari din umanong nangyayari sa mga state colleges at universities sa buong bansa.

Loading spinner
Avatar photo
Fiber Glass Fabricator DWSR 94.1 Power Radio (Anchor / Broadcaster)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top