Umakyat na sa 8.4 milyong halaga ng humanitarian aid ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa probinsiya ng Albay upang matulungan ang mga pamilyang nasa evacuation center dahil sa pag alburuto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Asst. Secretary Irene Dumlao, ito ay direktang ipinasakamay sa disaster response team operation ng Local Government Unit ng Albay.
Tuloy-tuloy din ang kanilang pamamahagi ng tulong lalo na sa mga pamilya na nasa evacuation centers.
Sa kasalukuyan umaabot na sa 1,100 pamilya o 4,000 na indibidwal ang inilikas at pansamantalang nasa 12 evacuation centers ng probinsya.
Magugunitang nasa Alert Level 3 pa rin ang Mayon Volcano.

