Biyahe ng Eroplano Tugon sa lumalalang kondisyon ng Maharlika Highway upang lumago ang turismo at negosyo sa Camarines Norte

Ngayong araw ay binabaybay nin Secretary Vince Dizon ang Maharlika Highway upang personal na makita ang kalagayan ng pangunahing lansangan nagkokonekta sa mga lalawigan mula Aparri hanggang Sulo sa Mindanao.

Partikular na binanggit ni Sec Dizon na tutukan ang kalagayan ng Maharlika Highway sa Quezon at Camarines Sur, na kung saan pahirapan sa mga papasok sa Camarines Norte ang mga butas at lubak lubak ng kalsada na nagiging sanhi ng matinding abala sa mga motorista at nagdudulot ng pagtaas ng gastos sa transportasyon.

Sa rehabilitasyon nito na ilang taon din ang gugugulin ay lalong lalala ang trapiko at apektado dito ang turismo at ang buong ekonomiya ng probinsya kaya naman, ang pagkakaroon ng isang maayos na airport sa Camarines Norte ang isang mahalagang solusyon upang malutas ang problemang ito. Ang biyahe ng eroplano ay nagbibigay ng madali at mabilis na pag-access sa lalawigan, na tiyak na makakaakit ng mga turista at negosyante o mamumuhunan.

Sa umpisa pa lang ay tinukoy na ng Padilla-Ascutia administration ang isa sa mga sasagot sa problemang ito sa transportasyon at ang kanilang naaccess na pundo ay nakikita na bunga, unti unting nagkakahugis ang rehabilitasyon ng paliparan sa Brgy. Bagasbas tinatayang sa loob lamang ng di hihigit sa dalawang taon ay muling magkaroon na ng biyahe ng eroplano dito sa ating lalawigan.

Loading spinner
Avatar photo
Fiber Glass Fabricator DWSR 94.1 Power Radio (Anchor / Broadcaster)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top