Nanatili pa rin ang lakas ng Tropical Storm ADA habang ito ay papalapit sa baybayin ng Baras, Catanduanes.
Sa pagtaya ng PAGASA taglay ng bagyo dakung 11 AM ang maximum sustained winds na 85 km.h malapit sa gitna na may pabugso-bugsong dala hanggang 115 km/hr.
Ito ay patuloy sa pagkilos pa-hilagang kanluran sa bilis na 25 km/hr at may lawak ng malalakas hanggang gale-force winds na umaabot sa 400 km/hr mula sa gitna.
Itinaas na rin ang SIGNAL NUMBER 2 sa ilang bahagi ng bansa
LUZON: Silangang bahagi ng Camarines Norte (Vinzons, San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Talisay, Basud, Mercedes, Daet, Paracale), silangan at gitnang bahagi ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Ocampo, Goa, Lagonoy, Milaor, Nabua, Buhi, Caramoan, Baao, Cabusao, Bato, Camaligan, Pili, Sipocot, Tigaon, Pamplona, Garchitorena, Iriga City, San Fernando, Magarao, Minalabac, Balatan, Libmanan, Naga City, Calabanga, Bombon, Bula, Canaman, Pasacao, Sagñay, San Jose, Presentacion, Gainza, Lupi), Catanduanes, Albay, at Sorsogon
VISAYAS: Northern Samar
Signal No. 1:
LUZON: Silangang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Marinduque, silangang bahagi ng Romblon (Cajidiocan, Magdiwang, San Fernando), natitirang bahagi ng Camarines Norte at Camarines Sur, at Masbate
VISAYAS: Eastern Samar, Samar, Biliran, hilagang bahagi ng Leyte (Carigara, Barugo, San Miguel, Babatngon, Tacloban City, Tunga, Jaro, Alangalang, Santa Fe, Palo, Dagami, Pastrana, Tanauan, Tabontabon, Julita, Dulag, Tolosa, La Paz, Mayorga, Macarthur, Kananga, Capoocan, Leyte, Calubian, San Isidro, Tabango, Burauen, Ormoc City, Matag-Ob, Villaba, Albuera, Palompon, Merida, Isabel), at hilagang bahagi ng Cebu (Medellin, Daanbantayan) kabilang ang Bantayan Islands.
Gayunpaman patuloy na pinag-iingat ng pamahalaan ang mga lugar na hindi nabanggit dahil posibleng abutin sila ng lakas ng hangin at ulan na maaring magdulot ng landslide o pagguho ng lupa.

