Nagpositibo si dating Department of Public Works and Highway (DPWH) Undersecretary sa anti-depressant drug sa isinagawang pagsusuri ng Philippine National Police.
Sa preliminary report ng PNP Regional Forensic Unit – Cordillera Administrative Region na nakitaan ang kanyang katawan ng citalopram na kung saan ito ay isang antidepressant drugs na kung saan iniinom ng isang taong may depression at iba’t ibang kondisyon sa kalusugang pangkaisipan.
Ang naturang gamot din ang isa umano sa mga narekober ng mga kapulisan sa isinagawang paghalughog sa kuwarto ng hotel ng lungsod ng Baguio kung saan ito nanuluyan.
Wala rin silang nakitang hispathological examination o terminal diseases sa katawan ng dating opisyal.
Matatandaang sinabi ni Interior Secretary Junvic Remulla na base sa inisyal na pagsisiyasat ay nagpakamatay ang dating DPWH official

