DFA sinigurong walang Pinoy na nasaktan sa nangyaring pamamaril sa Bondi Beach, Sydney Australia

Siniguro ng Department of Foriegn Affairs (DFA) na walang Filipino ang nasaktan kasunod ng pamamaril sa Bondi Beach, Sydney, Australia na nag-iwan ng 12 nasawi at 30 ang sugatan.

Ang naturang pamamarill ay naganap noong Disyembre 14, 2025 habang ipinagdiriwang ang Hanukkah ng mga Jewish Community kung saan maraming tao ang nagtitipon.

Ayon kay New South Wales Police Commissioner Mal Lanyon, napatay ng mga operatiba ang isa sa mga suspek matapos itong makipagpalitan ng putok samantalang ang isa naman nitong kasama ay nasa kritikal na kondisyon.

Patuloy pa rin nilang iniimbestigahan kung may kasamang pangatlong gunman ang suspek, Natagpuan rin ng mga operatiba ang mga umanoy ginamit na improvised explosive device sa lugar.

Dahil sa pangyayaring ito, nagpaabot ng pakikiramay ang DFA sa mga biktima at kanilang pamilya at pinaalalahanan ang mga Filipino sa naturang bansa na manatiling alerto at sundin ang mga abiso ng awtoridad.

Pinaalalahanan din ang mga nangangailangan ng tulong na makipag ugnayan sa Philippine Consulate General sa bansang Sydney.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top