Dagdag bawas sa presyo ng langis ngayong unang linggo ng Disyembre

Inaasahang magkakaroon ng pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, December 2, 2025, ayon sa mga industry estimates.

Posibleng tumaas ng hanggang 30 sentimos kada litro ang presyo ng gasolina, habang may rollback naman sa diesel na nasa P2.80 hanggang P3.00 kada litro.

Mas malaki rin ang inaasahang bawas sa kerosene, na tinatayang nasa P3.10 hanggang P3.40 kada litro.

Ang mga adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado at foreign exchange rates.

Ayon sa mga kumpanya ng langis, ang final price update ay ilalabas sa Lunes, December 1, 2025 bago ipatupad kinabukasan.

Ang mga pagbabago ay inaasahang magbibigay ginhawa sa mga motorista at consumer na gumagamit ng diesel at kerosene.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top