Inihayag ni Department of Justice Secretary Jesus Remulla na kanilang iimbestigahan ang ilang miyembro ng judiciary na kung saan sanggot sa pinaghihinalaang case fixing.
Sa kasalukuyan ay hindi pa nilalabas ng DOJ ang mga listahan ng sangkot sa nasabing case fixing subalit nakatakda na rin itong makipagpulong kay Chief Justice Alexander Gesmundo upang pag-usapan ang naturang akusasyon sa ilalim ng judicial system.
Ang naturang akusasyon ay naungkat matapos na isang dating judge ang tumulong para maayos ang kaso ng negosyanteng si Atong Ang na siyang itinuturong mastermind sa pagkawala ng mga sabungero noong 2021 hanggang 2022.

