Pagpapatupad ng VAT sa mga digital Platform sisimulan na ng BIR

Ipapatupad na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpapataw ng 12 percent Value-Added Tax (VAT) sa mga non-resident digital service provider kabilang na dito ang mga streaming platforms.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr ang mga digital platforms ay dapat umanong magrehistro sa online, maghain ng VAT returns at magremit ng bayad sa BIR Digital System.

Para sa digital provider sa bansa na walang physical offices ay maari nila itong gawing online sa isang platform na itinalaga ng BIR.

Ayon pa dito ay posibleng makakulekta ang BIR ng P10.8 bilyon na revenue pagdating ng huling bahagi ng 2025.

Loading spinner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top