Pagtaas ng Presyo ng langis pinangangambahan ng Department of Energy

Nangangamba ang Department of Energy (DOE) sa pobleng epekto ng pambobomba ng Israel sa Iran sa bahagi ng Middle East.

Sa pahayag ni Outging Energy Secretary Raphael Lotilla posibleng magkaroon ng bahagyang pagtaas at maaring hindi ito tumagal.

Maliban pa dito ay may iba pa umanong maaring pag-angkatan ng langis bukod sa GItnang Silangan.

Ayon pa dito hindi nila nakikita na aabot sa 100 dollars kada bariles ang presyo ng langis sa World Market,

Aniya, ganito rin ang mga naging sitwasyon noon sa mga nakalipas na tensyon sa Middle East.

Ayon kay Lotilla, sa ngayon ay nananatili sa 60 hanggang 70 dollars per barrel ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Loading spinner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top