Vice Presidente Sara Duterte inirekomendang kasuhan ng House Committee on Good Governance

Matapos ang mahabang imbestigasyon ng House Committee on Good Governance kaugnay sa kaso sa hindi tamang paggamit ng confidential funds sa Office of the Vice President at Department of Education ay kaagad nitong inerekomenda ang pagsasampa ng kaso laban kay Vice President Sara Duterte at iba pa dahil umano sa technical malversation, perjury, bribery at plunder.

Ayon sa committee report napatunayan umano sa committee hearing na nagkamal ng 50 milyon na public fund habang ang confidential funds ay hindi nagamit ng tama na nagkakahalaga ng 612.5 milyong peso.

Ayon kay Committee Chairman Rep. Joel Chua na tanging si Duterte lamang ang kauna-unahang bise presidente na humirit ng labis na confidential fund kung saan umabot ng 125 milyong peso ang nagastos sa loob ng 11 araw.

Magugunitang una na itong itinanggi ng Bise Presidente ang alegasyon na ibinabato sa kanya.

Loading spinner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top