Patuloy ang isinasagawang water and fish sample collection ng Fisheries Management Unit ng Calabanga, Camarines Sur matapos mapaulat ang Fish Kill sa naturang lugar.
Ang mga sample nito ay kaagad ipapadala sa BFAR upang alamin ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda.
Dahil dito nagpaalala naman ang FMU sa mga residente na iwasan munang kumain o kaya naman bumili ng isdang Dagsang habang patuloy pa ang isinasagawang pag-iimbestiga sa biglaang pagkamatay ng mga isda.
Photo Courtesy : Calabanga Fisheries Management Unit
Di ba sa Calabanga andyan ang Hinulid, kung nakapunta kami dyan crowded na ang lugar at parang may mga squatter na kaya sa sobrang init ng panahon at tambak na basura na napupunta sa dagat yung oxygen level ng dagat ay nababawasan na nagiging dahilan ng pagkamatay ng mga isda.