Nanalong Senador sa kakatapos na Election pormal ng iprinoklara ng Commission on Election

Pormal ng iprinoklara ng Commission on Election ang mga nanalong Senador sa katatapos na National and Local Elections ngayong araw ng sabado May 17, 2025. Ito ay dinaluhan ng mga nanalong senador maliban kay Sen. Kiko Pangilinan ba dumalo naman sa graduation ng kaniyang anak sa Amerika.

Sa naturang seremonya ay binigyan ng pagkakataon ang lahat na makapagbigay ng ilang minutong mensahe.

Sa kaugnay na balita, pinuri ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang magandang turn-out sa naturang halalan. Ayon kay Garcia, ang turnout na umabot sa mahigit 82% ay maituturing na pinakamalaking turnout sa kasaysayan ng bansa.

Pinasalamatan din ni Garcia ang mga kabataang botante sa kanilang pakikilahok at aktibong partisipasyon sa naganap na halalan.

Ayon kay Comelec Chair na makapangyarihan ang suportang ipinakita ng mga kabataan lalo na at malaking porseyento ang kanilang bilang, malaking salik upang idikta kung sino ang susunod na lider ng bansa.

Sa kabuuan ay naging maayos at malinis ang halalan sa kabila ng pagdududa ng ilan sa paglutang ng ibat ibang isyu tulad ng overvotes at iba pa.

Bagamat hindi aniya perpekto ang 2025 elections, natutuwa ang opisyal na sa kabuuan ay maayos na naidaos ng halalan nang walang major issue o malalaking problema.

Bago ang pormal na proklamasyon ay nag-iwan ng apela sa mga senador para sa ikakareporma at pagpapabuti sa mga susunod na halalan.

Loading spinner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top