Nakahanda na ang Commission on Election (COMELEC) sa gagawing proclamation ng 12 senador na nanalo sa katatapos na Midterm Election.
Ang naturang proklamasyon ay gagawin sa ngayong araw May 17, 2025 sa Tent City ng Manila Hotel dakung alas tres ng hapon.
Ang lahat ng nanalo ay papayagang magdala ng 10-15 mga kasama at bibigyan din ng limang minuto para pasalamatan ang mga sumuporta sa kanilang kandidatora.
Ayon sa COMELEC napadalhan na ng National Board of Canvassers (NBOC) ng imbitasyon ang 12 senador na nanalo.
Magugunitang nitong araw ng Biyernes ng inilabas ng NBOC ang tinatawag na magic 12 na nagwaging senador.
Kinabibilangan ito nina:
- Christoper “Bong” Go mayroong 27, 121,073 na boto.
- Bam Aquino – 20, 971, 899 boto
- Ronald “Bato” Dela Rosa – 20, 773, 946 boto
- Erwin Tulfo – 17, 118, 881 boto
- Kiko Pangilinan- 15, 343, 229 boto
- Rodante Marcoleta- 15, 250, 723 boto
- Panfilo “Ping” Lacson – 15, 106, 111 boto
- Vicente “Tito” Sotto III – 14, 832, 996 boto
- Pia Cayetano – 14, 573, 430 boto
- Camille Villar – 13, 651, 274 boto
- Lito Lapid – 13, 394, 102 boto
- Imee Marcos – 13, 339, 227 boto.
Sa araw naman ng Lunes , Mayo 19 ang pagsasagawa ng proklamasyon ng mga nagwaging Party-list groups.