Sisimulan na ngayong araw ng Philippine National Police ang full alert status bilang paghahanda sa May 12 National Local Election 2025.
Ayon kay PNP Chief Rommel Marbil na nakadeloy na sa ground ang kanyang mga tauhan at inatasan na niya ang mga kapulisan na higpitan ang pagbabantay para matiyak ang ligtas na halalan.
Ayon pa sa kanya aabot sa 120,000 na kapulisan ang itinalaga para magbantay sa mahigit 37,000 mga voting centers sa boung bansa.
Nanawagan din si Marbil sa publiko na makipagtulungan para mapuksa ang sinumang nagbabalak na manggulo sa halalan.