Isang lalaki arestado dahil sa kasong Act of Lasciviousness

Arestado ng pinagsamang puwersa mula sa CIDG Camarines Norte PFU, Daet MPS at CN 2nd PMFC ang isang akusado na nakilalang alyas Jess, 55 taong gulang, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy Cabanbanan, San Vicente, Camarines Norte.

Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness (RPC Art. 336), ayon sa Criminal Case No. 25-3165 na inisyu ni Hon. Madonna Gay Lumanta Escio, Presiding Judge ng MTC Br. 1, Daet, Camarines Norte noong Abril 28, 2025.

Ang naturang kaso ay may kaukulang piyansa na PHP 36,000.00. Samantala, ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG Camarines Norte PFU para sa kaukulang disposisyon.

Back To Top