DSWD kaagad naghatid tulong sa naapektuhan ng Bulkang Bulusan

Namahagi ang Department of Social Welfare and Developent (DSWD) ng food packs sa mga pamilyang apektado ng pagsabog ng Bulkang Bulusan sa mga apektadong barangay.

Ang food packs ay ipinamahagi sa mga barangay ng Bacolod, Puting Sapa at Buraburan sa bayan ng Juban.

Kaugnay nito ay pinasalamatan ni Governor Boboy Hamor si Pangulong Bongbong at DSWD Secretary Rex Gatchailan sa mabilisang aksiyon sa pagbibigay ng agarang pagtugon at pagbibigay atensiyon s mga naapektuhan ng pagsabog ng bulkan. Ayon sa Gobernador, matapos ang naturang insidente ay direktang nakipag-ugnayan sa kanya ang palasyo ng Malakanyang upang tiyakin ang mabilis na pagbigay ng tulong sa mga Sorsoganon.

Samantala patuloy namang nakamonitor ang mga awtoridad at mga lokal na pamahalaan sa kalagayan ng mga residenteng naapektuhan ng bulkan at inaasahan din ang karagdagang tulong mula sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno sa mga susunod na araw.

Back To Top