Clearing Operation sa National Highway ng Juban, Sorsogon patuloy na isinagawa, makapal na abo nagkalat sa kalsada dahil sa pagputok ng Bulkang Bulusan

Kaagad nagsagawa ng clearing operations ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon kasama ang Bureau of Fire Protection, Philippine National Police at ilang miyembro ng Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council matapos ang pagputok ng Bulkang Bulusan kaninang alas-4 ng madaling araw.

Binombahan ng tubig ng BFP ang National Highway sa Barangay Buraburan, JUban kung saan bumagsak ang makapal na abo mula sa pagsabog ng bulkan.

Dahil dito kaagad nanawagan si Governor Boboy Hamor sa mga motorista na pansamantalang iwasan ang naturang lugar upang bigyang-daa ang mas mailis at ligtas na pagsasagawa ng clearing operation.

Sa kasalukuyan ay patuloy na nakaantabay ang mga awtoridad sa anumang aktibidades na posibleng mangyari sa Bulkang Bulusan at pinaalalahanan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso para sa kaligtasan ng lahat.

Back To Top