Sasakyang ginagamit sa pangangampanya ni Re-electionist Mayor Luz Ricasio ng Capalonga, pinaputukan ng baril

Nabulabog ang lalawigan ng Camarines Norte partikular ang bayan ng Capalonga matapos pagbabarilin ang mga sasakyang na ginagamit ng team ni Mayor Luz Ricasio habang nagsila ay nagbahay-bahay sa pangangampanya nitong araw ng linggo, Abril 27, 2025

Ayon sa nakasaksi habang nakaparada ang kanilang sasakyan ay may di kilalang lalaki na biglang lumapit at kaagad na pinaputukan ang kanilang sasakyan na nagtamo na pagkasira ng gulong at ilang bahagi nito.

Natagpuan sa nasabing insedente ang tatlong basyo ng bala malapit sa sasakyan habang wala namang naiulat na nasaktan.

Kasama sa tinamaan ng bala ang sasakyan ni re-electionist mayoralty candidate Luz Ricasio.

Back To Top