Ipinag-utos ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa National Food Authority (NFA) na unti-unti ng ilipat ang buffer stocks sa Visayas Region bilang paghahanda sa paglungsad ng P20/kl na bigas na programa na DA sa ilalim ng departamento.
Ayon kay Sec. Tui ang paglilipat ng mga stocks ng mga bigas mula sa NFA warehouses partikular sa bahagi ng Mindoro patungo sa iba’t ibang bahagi ng Visayas ay aabutin ng ilang linggo.
Bago ang naturang paglulungsad ay siniguro ng ahensiya ang clearance sa pagbebenta ng mga bigas mula sa Commission on Election na bahagi ng campaign promise ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong mahalal ito noong taong 2022.
Ang mga buffer stock na ipapadala sa visayas region ay ilalagay sa visayas provinces na may limitadong produksiyon ng bigas katulad ng Cebu, Negros Island, Samar at Leyte.
Samantala sinuportahan naman ng lokal na pamahalaan ng Visayas ang inisyatibong ito ng DA at handa umano silang makipagtulungan sa naturang programa.