Inatasan ng Malakanyang ang Commission on Election (COMELEC) na siyang magsuri at magtukoy kung sasamantalahin ng ilang politiko o kandidato ang nakatakdang bentahan ng murang bigas na kung saan aabot ng biente pesos ang bawat kilo.
Hindi ito umano dapat gamitin sa anumang pamamaraan ng pamumulitika at gamitin sa pangangampanya ang programang ito ng gobyerno
Ayon pa kay Castro, wala umanong mukha ng kahit sinong kandidato saang mang lugar o kung saan gagawin ang bentahan ng 20 pesos kada kilo ng bigas at ito ay pasisimulan sa Visayas Region
Ayon pa sa kanya hindi dapat samantalahin ng mga kandidato ang programangito na ang pangunahing layunin ay bigyan ng access sa murang bigas ang mga mamamayan.
Hindi umano dapat lagyan ng anumang larawan ang anumang gagamiting lalagyan ng murang bigas o kaya tarpaulin ng simumang politiko kung saan gagawin ang pagbibenta ng murang bigas.
Ang pilot testing ay isasagawa sa visayas region sa susunod na linggo.