2 Patay 7 sugatan sa malagim na aksidente sa Sultan Kudarat

Patay ang dalawang katao samantalang pito at iba ang nasugatan matapos ang isang malagim na aksidente sa kahabaan ng National Highway sa tapat mismo ng barangay h all ng Brgy Impao, Isulan dakung ala-5:45 ng hapon kahapon Abril 4, 2025

Ang mga nasawa ay sina Charlie Mae Malacapay, 40 taong gulang at isang menor de-edad na nakilalang si Aaliya Malacapay, 8 taong gulang na kapwa nakasakay sa MG Sedan

Samantala, sugatan naman ang driver ng Sedan na si Nelson Mijares Jr., 46 anyos, may asawa, at ilan pang pasahero nito na sina Merlyn Flores, 63; Shamona Flores, 17; Jesil F. Lopez, 36; Jonela F. Lopez, 7; at Connie Sanico, 62 — pawang mga residente ng Purok Samadinalagon, Brgy. Daladap, Esperanza, Sultan Kudarat.

Samantala sugatan naman ang driver ng pick-up na sangkot sa aksidente at nakilalang si Joven Ampo Catubo, 29 tanong gulang, may asawa at residente ng Purok 9, Brgy Poblacion, Tacurong City.

Sa kasalukuyan ay patuloy na iniimbestigahan ng kapulisan ang sanhi ng aksidente.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top