Patuloy ang pagpili ni Vice President Sara Duterte sa mga abogado na siyang tatayong magtatanggol sa paglilitis ni Dating President Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
Ayon kay Vice Presidente Duterte, sila ay nasa proseso pa lamang ng pagkumpleto ng kanilang legal team at base sa shortlist ay wala pang nakalista na abogadong Pinoy.
Sa kasalukuyan ay hinihintay lamang nila ang pagtalaga at pagkilala ng International Criminal Court sa mga abogado na kanilang isinumite bago ito umuwi ng Pilipinas.
Matatandaang matapos na maaresto ang dating pangulo ay kaagad sumunod ang bise-presidente upang alalayan ang kanyang ama a The Hague, Netherland.