13taong gulang, ginahasa pinatay sa Unisan Quezon

Patay ang isang 13-taong gulang na dalagita matapos itong matagpuan sa isang damuhan sa Brgy Ibabang Bulo, Unisan, Quezon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Unisan Municipal Police Station, Inutusan umano nito ang kanyang anak bandang 6:10PM upang maghatid ng pera sa STL sa Barangay Ibabang Panaon nguniy hindi na ito nakabalik sa kanilang bahay.

Ang biktima ay natagpuan ng isang concern citizen sa masukal na bahagi ng barangay na walang suot na pang-ibaba.

Ang suspect ay nakilalang si Jomar, 27-anyos na siyang pumatay, sumakal at hinihinalang gumahasa sa biktima na itago natin sa pangalang Jandy, Grade 7.

Ayon sa suspect ay nagawa umano niya ang karumal-dumal na krimen dahil sa tindi na kalasingan at siya ngayon ay nahaharap ng patong-patong na kasi na may kaugnayan sa naturang insidente.

Loading spinner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top