Limang Suspek Sa Pagnanakaw Sa Claver,Surigao Del Norte, Nasakote Sa Dragnet Operation Sa Sta Elena,Camarines Norte

Limang katao ang naaresto sa isang matagumpay na dragnet operation na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Sta. Elena MPS, PHPT Camarines Norte, PHPT Camarines Sur, CNPMFC, at RHPUA, 503rd RMFB, bandang 5:10 ng hapon nitong Marso 11, 2025, sa Maharlika Highway, Brgy. Tabugon, Sta. Elena, Camarines Norte.

Kinilala ang mga suspek na sina Alyas Jessiel, 37 anyos, residente ng Sitio Malingao, Cawag, Subic, Zambales; Alyas Edward, 24 anyos, binata, residente ng Baliuag, Bulacan; Alyas Jhon Lloyd, 22 anyos, binata, residente ng Baliwag, Bulacan; Alyas Mark, 21 anyos, residente ng Baliwag, Bulacan; at Alyas Eduardo, 45 anyos, at residente ng Subic, Zambales.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon ng parehong araw, diumano ay nakatanggap ng impormasyon ang Camarines Norte Highway Patrol Team, Sta Elena MPS at iba pang units ng CNPPO mula sa Claver MPS, na noon ay nagsasagawa pa rin ng hot pursuit operation upang mahuli ang naturang mga suspek sa pagnanakaw sa nabanggit na bayan. Batay sa natanggap na repot ng mga awtoridad, patungo sa rehiyong ng Bicol ang getaway vehicle na ginamit sa insidente ng pagnanakaw sa Brgy. Bagakay, Claver, Surigao del Norte noong Marso 9, 2025.

Kaagad na nagkasa ng dragnet operation ang mga awtoridad upang harangin ang isang berdeng Honda CRV na may plakang LMH 384(getaway vehicle) na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek at pagkakarekober ng sumusunod na mga ninakaw na gamit:

  • Dalawang (2) Lenovo tablets/laptops;
  • Dalawang (2) Lenovo laptops;
  • Apat (4) na Acer laptops;
  • Isang (1) Neck laptop;
  • Isang (1) Dell laptop;
  • Isang (1) Toshiba laptop;
  • Tatlong (3) Oppo cellphones;
  • Dalawang (2) Samsung cellphones;
  • Isang (1) Techno cellphone;
  • Isang (1) Realme cellphone;
  • Isang (1) Realme tablet;
  • Tatlong (3) Type C chargers;
  • Isang (1) Samsung keypad cellphone;
  • Isang (1) internet router;
  • Isang (1) numeric keypad;
  • Isang (1) USB hub port;
  • Isang (1) laptop bag; at
  • Mga assorted na PNP uniforms.

Sa kasalukuyan, ang mga suspek, mga nakumpiskang gamit, at ang sasakyan ay nasa kustodiya ng Sta. Elena MPS para sa kaukulang ang disposisyon.

Dagdag pa rito, matapos ang beripikasyon sa e-Warrant System, napag-alamang si alyas Eduardo ay may nakabinbing warrant of arrest para sa kasong carnapping.

Patuloy ang imbestigasyon at koordinasyon ng PNP upang matukoy kung may iba pang krimen na kinasasangkutan ang mga naarestong suspek.

Avatar photo
Maghahatid ng tamang impormasyon at serbisyo publiko
Back To Top