Pagtaas ng Buying Price ng Palay pinagplanuhan ng NFA

Pinagplaplanuhan ng National Food Authority (NFA) ang buying price ng mga palay sa bansa.

Ayon kay NFA Administrayor Larry Lacson, na patuloy silang nagmomonitor ang mga napaulat na ibinebenta na mula 13 pesos hanggang 14 pesos kada kilo ang mga fresh o mga basang palay.

Sa kasalukuyan ang NFA ay may buying price ng wet palay ay nasa Php 18 pesos hanggang 19 pesos kada kilo habang ang dry palay naman ay nasa 23 pesos ang bawat kilo.

Ayon pa dito sa susunod na linggo ay tataasan na nila ang buying price ng mga palay kapat maberepika na bumagsak na ang mga ito.

Kapag napataas ang buying price ng mga palay ay magkakaroon ng P5,000 na dagdag na kita para sa mga magsasaka na siya ring magtutulak para sa mga traders na bumili ng palay ng mas mataas na presyo.

Back To Top