Mabigat ang binitiwang salita ni Punong Barangay Juan Carranceja ng Barangay 3, Daet, Camarines Norte sa pagbisita ng Team Padagos Lang at Asenso Daeteño ngayong araw, January 29, 2025.
Sa padagos na barangay visitation ni Congw Panotes ay dinalaw nito ang Barangay 3, Daet at nagbigay ng munting regalo, kung saan nagpasalamat si Kapitan Carranceja sa suporta ng kongresista sa kanyang barangay at dito ay sinabi nya na kung matatalo si Congw Rosemarie Panotes sa kanyang barangay magbibitiw na sya sa tungkulin bilang kapitan.
Bunsod nito ay nagsalita rin ang kanyang mga kagawad barangay sa pangunguna ni kgd Gigi Consuelo at sinabi nito na solido ang kanilang suporta sa kandidatura ni Congw Rose at hindi nika papayagan na magbitiw si Kapitan Carranceja kaya ipapanalo nila ang Kongresista at kung sakaling matatalo nga si Panotes ay lahat na sila magreresign sa pwesto.