32 Milyong Boto hindi sapat upang pigilan ang impeachment laban kay VP Sara Duterte

Ipinahayag ng Commission on Election na hindi sapat ang 32 milyon na boto para mapigilan ang impeachment kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Commission on Election (COMELEC) George Erwin Garcia na hindi umano magagamit ni VP Sara Duterte ang kanyang mandato upang mapigilan ang impeachment process laban sa kanya kahit siya ay nakatanggap ng 32M na boto noong nakaraang 2022 election na maituturing na pinakamaraming boto na naitala sa isang elected official.

Ayon pa sa kanya, sa ilalim ng konstitusyon ang impeachment ay ang pagtatanggal lamang ng opisyal ng gobyerno ay hindi awtomatikong pagtatanggal sa opisina dahil dadaan ito sa pagsisiyasat ng Senado.

Kinakaharap ni VP Sara Duterte ang dalawang impeachment complaints na nasa House of Representatives na. Ayon sa mga complaints, si VP Sara Duterte ay nagpapakita ng betrayal of public trust dahil sa kanyang umano’y maling paggamit ng 612.5M na confidential funds na patuloy namang itinatanggi ng bise presidente.

Loading spinner
Back To Top