Inihayag ng Commission on Audit na umaabot sa siyam na milyong plaka ng mga motorsiklo ang hindi pa nailalabas ng Land Transportation Office sa kabila ng napaulat na kakulangan ng plaka ng mga sasakyan.
Maliban dito umaabot naman sa 1.6 milyong replacement plates sa mga sasakyan na nagkakahalaga ng Php763 Milyon kung saan ang mga ito ay nabayaran na mula sa noong 2014.
Sa kabila nito, sinabi naman ng LTO na bumaba na ang nasabing backlog na mula sa dating mahigit na 13 milyon.
Isa umano sa naging dahilan nito ay ang pagkakaroon ng problema sa bidding ng mga plaka noong 2014 na humantong pa sa kasuhan at pagkakaroon ng temporary restraining order.