Naging matagumpay ang ikinasang buybust operation ng kapulisan ng PDEU Cam Norte/CNPIU (lead unit), katuwang ang mga tauhan ng Daet MPS na may mahigpit na koordinasyon sa PDEA ROV. Ang operasyon ay nagsimula bandang alas 9:47 ng gabi nitong Marso 3, 2025 sa Central Plaza Complex, Purok 4, Barangay Lag-on, Daet, Camarines Norte. Hinuli ang […]
Candidate Forum para sa mga Kandidato sa Unang Distrito, Planong isagawa ng KBP at VACC Camarines Norte
Daet, Camarines Norte – Ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas-Camarines Norte ay naghahanda na ngayon para sa isa pang round ng forum ng mga kandidato, ngunit sa pagkakataong ito ay gaganapin na ito sa Tagalog speaking district. Ayon sa impormasyon, ang pangunahing layunin ng KBP-Camarines Norte sa pakikipagtulungan sa Volunteers Against Crime and Corruption-Camarines […]
Rollback sa Presyo ng LPG ipinatupad na
Ipinatupad na ngayong araw ang malawakang rollback sa presyo ng Liquefied Petrolem Gas (LPG) sa halagang Php 11.00 kada 11 kilogram na household LPG Cylinder Tank Ayon sa LPG Marketers Association ang pagkakaroon ng rollback sa presyo ng LPG ay dahil na rin sa pagbawas ng Saudi Aramco na umabot sa halagang 20 USD. Ayon […]
Financial Literacy para sa mga PWDs ng lalawigan isinagawa
Daet, Camarines Norte – Isang pagsasanay ukol sa pamamahala ng pananalapi at financial literacy para sa mga taong may kapansanan ang isinagawa noong Pebrero 28, 2025 sa Pratesi Café sa Daet, Camarines Norte. Ito ay pinangunahan ng SUCCEED Livelihood Program at Ng Provincial Person’s with Disability Affairs Office sa pangunguna ni Dr. Rex Bernardo. Isang […]
Unang Linggo ng Marso walang mamumuong bagyo ayon sa Weather Bureau ng bansa
Walang anumang mamumuong bagyo sa bansa sa unang linggo ng Marso batay sa pagtaya ng State Weather Bureau sa kabila ng patuloy na pag-iral ng ilang weather system sa bansa katulad ng shearline, amihan at easterlies. Sa kasalukuyan ay patuloy naman ang isinasagawang pagmonitor ng weather bureau na posibleng nabubuong tropical cyclone o mga low […]
Pagtaas ng Buying Price ng Palay pinagplanuhan ng NFA
Pinagplaplanuhan ng National Food Authority (NFA) ang buying price ng mga palay sa bansa. Ayon kay NFA Administrayor Larry Lacson, na patuloy silang nagmomonitor ang mga napaulat na ibinebenta na mula 13 pesos hanggang 14 pesos kada kilo ang mga fresh o mga basang palay. Sa kasalukuyan ang NFA ay may buying price ng wet […]
Palawakin natin ang Pagkilos at Palakasin ang Sigaw ng Maliliit na Mangingisda, Atin ang Kinse
Hinihiling ng hanay ng maliliit na mangingisda sa Korte Suprema na muling pag aralan at baliktarin ang desisyon ng kanilang 1st Division na dinideklarang unconstitutional ang pagkakaroon ng 15km municipal water na para lamang sa marginalized fishermen, ito ay ayon sa Local Government Code of 1991 at Republic Act 8550 o Fisheries Code of the […]
Medalya ng Natatanging Gawa iginawad sa ilang kawani ng BJMP sa lalawigan ng Camarines Norte
Daet, Camarines Norte – Ginawaran ng Medalya ng Natatanging Gawa o BJMP Outstanding Achievement Medal ni BJMPROV and Jail Chief Inspector Efren C. Vargas Jr ang ilan nitong kawani matapos itong personal na dumalaw sa lalawigan ng Camarines Norte. Ang naturang parangal ay bunsod na kanilang dedikasyon sa kanilang trabaho matapos nitong pamunuan ang PRIME-HRM […]
Mga Estudyanteng CamNortenos, Nagningning sa International Math Olympiad
Isang malaking karangalan ang dinala ng mga estudyante mula sa Camarines Norte sa International Mathematical Olympiad (IMO)! Hindi lamang isa, kundi apat na estudyanteng CamNorteño ang nagkamit ng parangal sa prestihiyosong kompetisyon. Mula sa Vinzons Pilot High School, sina Gabriel B. Asis at Eugene Kyle B. Eco ay nag-uwi ng bronze medal sa kanilang paglahok […]
Agile Leadership Course isang hakbang tungo sa mas epektibong Pamahalaan sa Pilipinas, Dinaluhan ni PDAO Head Dr. Rex Bernardo
Nagtapos kamakailan ang isang maigsing kurso sa Agile Leadership noong Pebrero 17-21, 2025 sa Holiday Inn Makati, na nagpapakita ng lumalaking kahalagahan ng adaptable leadership sa pagharap sa mga komplikadong hamon. Sinuportahan ang nasabing kaganapan ng DFAT Australia sa pamamagitan ng Australia Awards, at dinaluhan ng mga mahahalagang opisyal mula sa Department of Budget and […]

