Search and Rescue Operation sa dalawang Senior Citizen na tinangay ng baha patuloy na isinasagawa

Cabusao, Camarines Sur – Patuloy ang isinasagawang rescue operation kaugnay sa dalawang Senior Citizen na tinangay ng baha matapos subukang tumawid ng spillway sa bahagi ng Barangay Biong Cabusao, Camarines Sur.

Ayon sa ulat, pinilit umano ng driver na hindi pa nakikilala sa ngayon na tumawid sa umapaw na spillway na naging dahilan upang sila ay tangayin ng agos ng tubig at dalhin sa di malamang direksiyon.

Sa kasalukuyan ay tanging Electric Bike pa lamang ang natagpuan ng mga otoridad at nagpatuloy pa ring isinasagawa ang search and rescue operation sa lugar.

Sa ulat ng PAGASA ang nakataas pa din ang Heavy Rainful Warning o Red Warning Level hanggang Lunes ng gabi sa boung probinsiya dahil sa epekto ng shearline na nagdudulot ng walang humpay na ulan at pagbaha.

Photo Courtesy of :MDRRMO CABUSAO

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top