Mga batang tinuruan ni Hidilyn Diaz-Naranjo namayagpag sa Batang Pinoy

Hindi matawaran ang kontribusyon ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo lalo’t namamayagpag ang mga batang kanyang tinuruan sa Batang Pinoy sa Puerto Princesa, City.

Kabilang dito si Adonis Ramos sa boys 15-17 55 kg category kung saan nakamit nito ang kabuuang 185 kg lift.

Ilan sa mga kasama nito ay sina Maybell Riones sa girls 12-13 , 35 kg. class; Reyandine Marie Jimenez sa girls 12-13 , 40 kgs. class at Matthew Diaz sa boys 12-13 -43 kgs.

Ang mga ito ay nakahakot na ng apat na gold, anim na silvers at isang bronze.

Kasama ni Hidilyn ang asawa nitong si Julius na nagsasanay sa mga bata sa ipinatayo nilang gym sa Jala-Jala, Rizal.

Sinabi ni Naranjo, na siyang nag-training kay Hidilyn na nagkakaroon na interest ang mga kabataan na sumabak sa weightlifting mula ng magwagi ng gintong medalya si Hidilyn sa  Olympics.

Ikinakatuwa rin nito ang pagdami ng mga kabataan ang sumasali sa weightlifting sa Batang Pinoy kumpara noong panahon niya na tanging siya lamang ang lumalahok kaya ito nakakakuha ng gintong medalya.

source: Bombo Radyo Philippines

Loading spinner
Back To Top