Pasko, Bakit December 25

Non-Catholics and Anti-Christmas individuals are now posting articles against the Christmas Celebration saying,

“Ang Pasko ay hinago sa Pagan Feast na Sol Invictus o kaarawan ng diosdiosan na The Unconquered Sun. Ginaya ito ng mga Katoliko para palakasin ang Paganismo sa mundo.”

First and Foremost, dapat muna nating malaman kung ano ang ibig sabihin ng “CHRISTMAS” at kung bakit ito ipinagdiriwang ng mga Katoliko tuwing Disyembre 25 taon-taon.

Ang “Christmas” ay pinaikling salita mula sa katagang “Christ’s Mass” na kinuha sa Middle English na “Cristemasse,” na galing naman sa old English term na “Crīstesmæsse.” Ang salitang “Crīst” ay hinango mula sa Wikang Greek na “Khrīstos” na ang ibig sabihin ay “CHRIST” o “ANNOINTED.” Ang salitang “Mæsse” naman ay kinuha sa salitang Latin na “MISSA” na ang ibig sabihin ay “CELEBRATION OF THE EUCHARIST.”

Ang petsa ng nasabing selebrasyon ay isinasagawa tuwing sumasapit ang Disyembre 25, hindi dahil kaarawan ito ng diosdiosang “THE UNCONQUERED SUN” kundi dahil ito ang sinasabing pinakamalapit na resulta sa mga isinagawang “COMPUTATIONS” base sa “CHRONOLOGICAL ORDERS” o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Magsisimula ang COMPUTATION ng kaarawan ni Kristo sa EPISTLE ni SAN LUCAS nang magpakita ang Anghel na si Gabriel sa Hudyong Pari na si Zacarias sa templo ng Diyos kung saan siya NAGSUSUNOG NG INSENSO bilang bayad-sala. Dito ay ipinahayag ng Anghel na si St. Elizabeth ay magdadalang-tao kay Juan Bautista,

“Doon ay nagpakita sa kanya ang isang anghel ng Panginoon. Nakatayo ito sa gawing kanan ng altar na SUNUGAN NG INSENSO. “-[Lucas 1:11]

“Ngunit sinabi ng anghel sa kanya, “Huwag kang matakot, Zacarias! Dininig ng Diyos ang iyong panalangin. Ang iyong asawang si ELISABET ay magkakaanak ng isang lalaki, at JUAN ang ipapangalan mo sa bata.”-[Lucas 1:13]

Ayon sa Jewish Tradition ang PAGSUSUNOG NG INSENSO ay isinasagawa ng mga Hudyo ISANG BESES lamang sa ISANG TAON sa ika-10 ARAW ng Ika-7 BUWAN (10th day of the 7th Month),

“Ang IKASAMPUNG ARAW ng IKAPITONG BUWAN ay Araw ng Pagtubos sa Kasalanan. Sa araw na iyon ng inyong banal na pagtitipon, mag-ayuno kayo at mag-alay ng pagkaing handog. “-[Leviticus 23:27]

Sa JEWISH CALENDAR ang 7th Month ay tinatawag na TISHRI na ang katumbas sa JULIAN CALENDAR ay ang month of SEPTEMBER. Ang Julian Calendar ay ang kalendaryong ginagamit noon ng Roman Empire na ginamit naman sa panahon ni Kristo hanggang sa taong 1582.

Si Zacarias ay pumasok sa templo sa Month of TISHRI, na sa JULIAN CALENDAR ay nasa pagitan ng SEPTEMBER 1 hanggang October 5, tinatayang naganap ang appearance ni Anghel Gabriel sa buwan ng SEPTEMBER 22 (huling Araw ng paglilingkod ni Zacarias sa Templo). Sa ika-23rd ng September umuwi na si Zacarias sa kanyang Asawa,

“Nang matapos ang panahon ng paglilingkod ay umuwi na siya. Hindi nga nagtagal at NAGLIHI SI ELESABET ang kanyang asawa, at hindi umalis ng bahay sa loob ng limang buwan.” -[Lk. 1:23]

Si Elizabeth ay naglihi kay Juan sa buwan ng SEPTEMBER (possible 24). Makalipas ang 6 Months na pagbubuntis ni Elizabeth, inanunsyo na ng Anghel ang paglilihi ni Maria, na ina ni Hesus, at nangyari ito sa buwan ng MARCH (conception possibly begins in 24th day),

“Nang IKAANIM NA BUWAN ng pagdadalang-tao ni Elisabet, ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na isang lunsod sa Galilea, upang kausapin ang isang dalaga na ang pangala’y Maria.”-[Lucas 1:26-27]

Therefore, Kung si Elizabeth ay 6 Months pregnant sa Buwan ng March, manganganak siya sa Buwan ng JUNE (possible 24th day), at si Maria ay manganganak sa Month of DECEMBER (possible midnight of 24th day or considered as 25th day of December).

Ang December 25 ba ay kaarawan ng Diosdiosan?

HINDI. Ang Sol Invictus (Winter Solstice) ay totoong PISTA NG MGA PAGANO na inembento ni Emperador Aurelian noong Disyembre 25, 274 A.D. Ang katagang “Sol” ay nangangahulugang “Sun,” at ang ibig sabihin naman ng “Invictus” ay “Unconquered,” ibig sabihin idineklara ang Araw ng Disyembre 25 bilang kaarawan ng isang Romanong diosdiosan na tinatawag nilang “THE UNCONQUERED SUN.”

Subalit ayon sa pag-aaral, ang silibrasyon ng “SOL INVICTUS” tuwing Disyembre 25 ay idineklara lamang ni Emperador Aurelian noong 274 A.D upang KALABANIN ang PASKO ng mga Kristiyano at ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaanib nito,

“Thomas J. Talley holds that the Roman Emperor Aurelian placed a festival of Sol Invictus on December 25 in order to compete with the growing rate of [Catholic] Christian Church which had already been celebrating Christmas ON THAT DATE FIRST.”-Wikipedia

In fact, Pinatutuhanan ito ng mga CHURCH FATHERS at ng mga BIBLE SCHOLARS batay sa kanilang mga sulatin,

“The first coming of our Lord, that in the flesh, in which he was born at Bethlehem, took place eight days before the kalends of January, a Wednesday, in the forty-second year of the reign of Augustus, 5500 years from Adam.”-[Hippoltytus of Rome (A.D. c. 170 – c. 240) Commentary on Daniel 4.23]

“The eighth day before the kalends of January is the twenty-fifth day of DECEMBER, and the forty-second year of Augustus was 3/2 B.C.”-[Jack Finegan]

Si St. Theophilus na obispo ng Caesarea na nabuhay noong A.D. 115-181 ay nagpahayag na Disyembre 25 ang kaarawan ni Kristo, 93 taon bago ipinagdiwang ang kaarawan ng Sol Invictus.

Si Pope St. Telesphorus, ang ika-pitong obispo ng Roma (c. 125-136) ay nagpahayag na Disyembre 25 ang kaarawan ni Kristo, 138 taon bago ang unang kaarawan ng Sol Invictus.

Kaya naman ang pagdiriwang ng KAPASKUHAN ay hindi kailanman ginawa para sa mga DIOSDIOSAN, kundi para sa kay KRISTO na ating tagapagligtas.

source: Catholic Defender FB Page

Loading spinner
Back To Top