Banta sa buhay ni PBBM maituturing na isang national security concern – Año

Maituturing na isang seryosong National Security Concern (NSC) ang lumalabas na balitang may nagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos ihagay ni Vice President Sara Duterte na kanyang ipapatay ang Pangulo kasama si First Lady Liza Araneta at House Speaker Martin Romualdez kung isa ay mapatay.

Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año’ , na lahat ng mga banta sa buhay ng Pangulo ay kanilang bina-validate at ikinokonsiderang usapin ng national security.

Nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t-ibang mga law enforcement agencies at intelligence agencies para imbestigahan ang nasabing banta.

Pagtitiyak niya sa publiko na ipinapatupad lamang ng kanilang ahensiya ang konstitusyon, democratic institution at chain of command.

source: Bombo Radyo Philippines

Loading spinner
Back To Top