Hawak na ngayon nga Paracale PNP matapos isuko ng mismong mga kaanak ang suspect sa pagpatay kay Allan Francisco isang financier sa kabudan na binaril sa Barangay Casalugan, Paracale nitong Agosto
Sa pagtutulungan ng mga operatiba ng PNP Mobile Force Company, Paracale at Labo Municipal Police Station ay nagawa nilang makontak ang mga kamag anak na naging dahilan upang isuko ng mga ito ang suspek sa pagpatay na ngayon ay inaalam ng PNP Paracale sa pangunguna ni PMaj Emil Yebra ang kwento sa likod ng pagpatay at kung may nag utos dito na gawin ang krimen.
Abangan ang detalye ng balitang ito at aalamin din natin kung nakakatulong ba talaga ang reward system upang malutas ang kasong katulad nito at mapapanagot ang tunay na salarin.


Ang tanong dyan sir Ruel, kanino mapupunta ang reward money?