Hindi kinaya ng bubong ng stage ng Peñaranda Park sa Legazpi City ang naipong tubig-ulan na naging dahilan upang bumagsak ito kagabi, araw ng Sabado, Agosto 30.
Agad sumugod doon si Governor Rosal at nagsagawa ng inspection at nagtataka sila dahil wala namang malakas na hangin nang mangyari ang insidente at ang naipong tubig sa ibabaw ng bubong ang naging sanhi nang pagbagsak.
Ayon pa sa Gobernador, may limang indibidwal nasugatan sa pagbagsak at namang na-isinugod sa ospital.
Matatandaan na umani ng negatibong reaksyon ang konstruksiyon ng Peñaranda Park na kabubukas lamang ngayong buwan ng Mayo sa kasalukuyang taon. Mayroon itong pondo na nasa P96M.
Ayon kay Gov. Rosal, hindi pa rin naitu-turn over sa Provincial Government ng Albay ang naturang proyekto na isang joint venture ng Hi-Tone Construction at FS Co Builders and Supply.
Photo courtesy: Noel Rosal

