Lalaking may kasong Act of Lasciviousness, Arestado ng Daet PNP

DAET, Camarines Norte – Naaresto ng mga operatiba ng Daet Municipal Police Station ang isang 55-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness sa isinagawang operasyon sa Brgy. Gahonon, Daet, Camarines Norte bandang alas-12:20 ng tanghali nitong Hunyo 3, 2026.

Kinilala ang nadakip sa alyas na “Rey,” isang construction worker at residente ng nasabing barangay.

Ang pag-aresto ay pinangunahan ng Tracker Team ng Daet MPS sa pakikipag-ugnayan sa Camarines Norte 1st Provincial Mobile Force Company at Camarines Norte Provincial Intelligence Unit.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng hukuman kaugnay ng kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Criminal Case No. 26-3286 noong Hunyo 3, 2026. Nagtakda ang hukuman ng piyansang nagkakahalaga ng Tatlumpu’t Anim na Libong Piso (Php36,000.00) para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Matapos maaresto, agad na dinala sa Daet Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago iharap sa korte para sa nararapat na disposisyon.

source: CNPPO

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top