Nagpahayag ng suporta si DOH OIC Regional Director Rey Millena sa isinagawang Brigada Eskwela 2026 ng Department of Education kaugnay sa pagbubukas ng klase ngayong taong SY 2026 – 2027. Ayon sa kanya nakikiisa ang Department of Education Region 5 sa naturang programa kasunod ng panawagan sa mga magulang na makiisa sa paglilinis ng paaralan lalong lalo na ngayong papasok na ang tag-ulan.
Ayon pa dito kailangan umanong maging mainis ang bawat paaralan upang maiwasan na pamugaran ng mga insekto lalong lalo na ng mga lamok na may dalang sakit na dengue.
Sa isinagawang Press Conference ng PHO Camarines Norte umaabot na sa 568 na kaso ng dengue ang naitala sa boung rehiyong bikol mula sa buwan ng January 1 hanggang May 16, 2026. Sa naturang pag-uulat lumalabas na bumaba ang kaso ng dengue sa boung rehiyong Bicol kumpara noong nakaraang taon na umabot sa 982 biktima.
Ayon pa dito mahalaga umano ang partisipasyon ng bawat isa dahil hindi lang ito programa ng DOH dahil ito ay programa ng boung sambayanang Pilipino upang tuluyan ng mabawasan ang nabibiktima ng Dengue sa bansa partikular sa boung rehiyong Bicol.

