Labo, Camarines Norte- Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Labo MPS ang isang lalaking tulak ng iligal na droga nitong Mayo 17, 2026 bandang 4:28 ng hapon sa Brgy. Anahaw, Labo, Camarines Norte.
Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Ken,” 58 taong gulang at residente ng nasabing lugar. Ang operasyon ay pinangunahan ng Labo MPS sa pakikipag-ugnayan sa Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, 2nd Provincial Mobile Force Company ng Camarines Norte Police Provincial Office at 503rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion, sa ilalim ng pangkalahatang superbisyon ni PLTCOL ANDY O ROSERO, Chief of Police ng Labo MPS, at sa koordinasyon ng PDEA Regional Office V.
Sa isinagawang operasyon, matagumpay na nakabili ang poseur buyer ng isang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. Matapos nito ay isinagawa ang body search sa suspek na nagresulta sa pagkarekober ng dalawang (2) medium at dalawang (2) maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. Narekober din sa operasyon ang isang limandaang pisong bill na ginamit bilang buy-bust money.
Ang kabuuang timbang ng mga nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga ay humigit-kumulang dalawang (2) gramo na may tinatayang Standard Drug Price na aabot sa Php 13,600.00.
Isinagawa ang pagmamarka at imbentaryo ng mga nakuhang ebidensya sa harap ng suspek at ng mga mandatory witnesses mula sa media at mga opisyal ng Barangay Anahaw, Labo, Camarines Norte
Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng Labo MPS para sa tamang disposisyon habang inihahanda ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay sa patuloy na pagsusumikap ng buong hanay ng kapulisan katuwang ang pamayanan at lokal na pamahalaang bayan ng Labo upang masawata ang ganitong uri ng ilegal na gawain.

