Walang basihan ang impeachment complaint na isinampa laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, Ito ang naging pahagay ni Palace Press Officer Claire Castro.
Ang impeachment complaint at isinampa ng abogado ni Andrie De Jesus at inakusahan ang pangulo ng graft at korapsyon, culpable violation ng Konstitusyon at pagtataksil sa tiwala ng publiko. Kasama sa reklamo ang di umanoy kakulangan sa kakayahang magsilbi dahil sa alegasyong pagkaadik sa drogo base na rin sa naging pahagay ng kapatid nitong si Senador Aimee Marcos.
Ang impeachment complaint ay inindorso ni House Deputy Minority Leader at Pusong Pinoy Party List Rep. Jett Nisay.
Sa kabila nito ay kinikilala umano ng Palasyo ng makalanyang ang naturang impeachment complaint bilang paggalang sa sa pagsampa ng reklamo at binigyang diin nito na matibay ang mga institusyon ng Pilipinas at malinaw ang proseso nito.
Kaugnay nito ay nananatiling tahimik ang kampo ni Vice President Sara Duterte at walang anumang komentong ipinahayag ang pangalawang pangulo.

