Lalaking may kasong frustated murder arestado sa bayan ng Daet

𝗗𝗮𝗲𝘁, 𝗖𝗮𝗺𝗮𝗿𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗲 – Matagumpay na naaresto ng tracker team ng Daet Municipal Police Station (Daet MPS), katuwang ang Camarines Norte 1st Provincial Mobile Force Company (CN 1st PMFC), ang isang lalaki na may nakabinbing Warrant of Arrest kaugnay ng kasong Frustrated Murder.

Dakong alas-5:30 ng hapon nitong Enero 19, 2026, isinagawa ang operasyon sa Barangay Gahonon, Daet, Camarines Norte, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na kinilala sa alyas na “JOJO”, 18 taong gulang, walang asawa, helper, at residente ng Barangay Calasgasan, Daet, Camarines Norte.

Ang nasabing pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest kaugnay ng kasong Frustrated Murder. Ang nasabing kaso ay may inirekomendang piyansa na nagkakahalagang Php150,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Matapos ang pag-aresto, agad na ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan alinsunod sa batas. Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Daet Municipal Police Station para sa kaukulang pagdodokumento at disposisyon bago isailalim sa proseso ng hustisya.

Ang matagumpay na operasyon ay patunay ng patuloy at pinaigting na kampanya ng Philippine National Police laban sa kriminalidad, partikular sa pagtugis at pagdakip sa mga indibidwal na may nakabinbing kaso sa batas.

Isinagawa ang operasyong ito sa ilalim ng pangkalahatang pamumuno ni PCOL Paul Florendo Abay, Acting Provincial Director ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), na patuloy na nangunguna sa pagpapatupad ng mga estratehiya upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan, at seguridad sa buong lalawigan ng Camarines Norte.

Source: CNNPO

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top