Alert Level 3 nakataas pa rin sa Buklang Mayon | Dalawang Volcanic Earthquake naranasan

LEGAZPI CITY- Nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon matapos itong makapagtala ng dalawang volcanic earthquake at 209 rockfall events sa nakalipas na magdamag nitong Enero 13, 2025.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmoloty ay patuloy pa rin ang pagbuga ng lava dome at natitatalang lava flow sa bulkan.

Umaabot din sa 46 pyroclastic density currents o usok sa nakalipas na magdamag.

Sa pagtataya ng Philvocs umabot ng 1,387 tonelada ng sulfure dioxide ang ibinuga ng Mayon na posibleng makaapekto sa mga residenteng malapit dito.

Pinaalalahanan naman ng Local Government Unit ang mga residente na maging handa sa paglilikas sakaling patuloy na mag-alburuto ang nasabing bulkan.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top