Posibleng walang foul play na nangyari sa pagkamatay ni dating Department of Public Works and Highway (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral dahil bago ang insidente ay nagtungo ito sa Tuba, Benguet na posible umanong nagsurvey muna bago bumalik at isinagawa ang di umano’y pagtalon nito.
Ito ang naging pahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla na unang pinahinto ni Cabral ang driver sa lugar bago nagtuloy sa lungsod ng Baguio at bumalik mula sa lugar at kaagad din namang umalis matapos itong isitahin ng pulis dahil sa pinagbabawal ang pagparada sa naturang lugar.
Si Cabral ay nagbitiw sa puwesto noong buwan ng Setyembre matapos ang imbestigasyon ng kongreso dahil sa umanoy anomalya sa pond ng mga flood control projects kasama rin sa akusasyon na tumanggap ng kickbacks ang mga mambabatas at ilang opisyal ng gobyerno.

